Tradisyon at Kultura ng Bayan ng Gamu
Ang Bayan ng Gamu ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Isabela, Pilipinas.
Ang Gamu ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Isabela
Ito ay hangganan sa hilaga ng lungsod ng Ilagan, o sa hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Quirino, sa timog ng munisipyo ng Reina Mercedes at sa timog-kanluran ng munisipalidad ng Burgos, at sa Timog-silangan ng munisipalidad ng Naguilian.
Ang Gamu ay may kabuuang sukat ng lupa na 129.40 square kilometros na may 16 na mga barangay, 3 sa mga ito ay inuri bilang mga urban na barangay, Distrito I, II at III, at ang iba ay itinuturing na mga baranggay sa bukid.
Halo-halo ang mga wikang ginagamit sa bayan ng Gamu mayroong Ilocano, ibanag, at tagalog Halimbawa sa Barangay Dist. I (Pob.) madalas nilang gamitin ang wikang ibanag sa Barangay Dist. II (Pob.) ang madalas na gamiting wika ay ang Tagalog o Ilocano ganun din sa Barangay Dist. III (Pob.)
TRADISYON
"KULIGLIG FESTIVAL"
Ipinagdiwang ng bayan ng Gamu ang Kuliglig Festival noong Agosto 23, 2013, kasunod ng isang utos ng ehekutibo na inisyu ng pamahalaang munisipal na opisyal na ipahayag ito bilang opisyal na kasiyahan ng bayan.Tuwing ipinagdirwang ang "Kuliglig Festival" ay nagkakaroon ng mga bangketa sa harap ng munisipyo ng Gamu kung saan maraming mga nagtitinda at lahat sila ay nakahilera. Nagkakaroon din ng mga gawain tulad ng Colorful Fun Run at mga Perya kung saan may mga Running light, Horror Train, Ferris Wheel at iba pang mga palaro at Pagkakasiyahan. At bagao rin sumapit ang Pista ng Gamu nagkakaroon din ng Pageant kung saan magkakalaban ang mga distrito ng Gamu.
Sa tuwing ipinagdiriwang ang piyesta ng Gamu mapapansin mo na pwede kang makikain sa iba't ibang bahay kahit hindi mo kakilala. Nagpapakita ng pagtanggap ng mga panauhin kahit na hindi mo kakilala dahil iyon ang tradisyon ng bayan ng Gamu.
DENDELOT O BINALLAY
Sikat na pagkain ito sa bayan ng Gamu,
Ito ay gawa sa glutinous at arina kung saan ito ay binabalutan ng dahon ng saging saka nilalaga, gawa naman sa pinaghalog Niyog at asukal ang sauce nito kung saan ito ang napapasarap sa dendelot o binally. Lahat ng tao ay gumagawa nito tuwing Mahal na Araw at makikita mo pag sumapit ang Mahal na araw lahat ng tao o mga bahay-bahay ay may kanya kanyang Dendelot o Binallay sa hapagkainan dahil ito ang aming Tradisyon at sikat na deko o dikit.
SAINT ROSE OF LIMA CHURCH
Kapansin-pansin ang bayan ng Gamu sa pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng mga simbahang Romano Katoliko sa buong lalawigan ng Isabela. Ang mga simbahang ito ay madalas na bisitahin ng mga peregrino at madalas puntahan ng mga manlalakbay sa buong bansa upang magbigay pugay sa bawat isa sa kani-kanilang mga Roman Catholic icon na kanino ang bawat simbahan ay inilaan at pinangalanan.
Ang Saint Rose of Lima Church ay isang istrukturang istilong Baroque noong ika-18 siglo na nakatuon sa patron ng bayan na si Saint Rose ng Lima. Kapansin-pansin ito ang pinakalumang simbahan sa bayan at isa sa mga natitirang simbahan ng uri nito sa lalawigan ng Isabela.
PAGGALANG SA NAKAKATANDA
Isa sa kultura ng Bayan ng Gamu ay ang Paggalang at Pagrespeto sa mga nakakatanda. Laging magmamano at gumagamit ng "po at opo" Sa tuwing makikipag usap.
MGA PANINIWALA
Maraming paniniwala ang mga bayan ng Gamu tulad na lamang ng bawal kainin ang pagkain na inihain sa patay, bawal ring magwalis ng gabi, bawal ring matulog ng basa ang buhok lalo na sa mga kababaihan, at kapag nakaturo sayo ang tinidor o kutsara o kaya'y sandok habang kayo ay kumakain ikaw raw ang sisisihin sa kasalanang dimo naman ginawa at marami pang iba.